^

Bansa

Erap gustong mag-Pasko at New Year sa San Juan

-
Nagsampa ng mosyon ang abogado ni dating Pangulong Estrada na humihiling na makalabas ito sa kanyang detensiyon saTanay, Rizal sa darating na Pasko at Bagong Taon upang makapiling ang maysakit na inang si Doña Mary sa bahay nito sa San Juan.

"He would like to seek permission to spend part of the season of grace and goodwill with his family," pahayag ni Atty. Rene Saguisag.

Nais ni Estrada na makalabas mula Dis. 24- Enero 2, 2007.Pero kung hindi kakatigan ng korte ang Christmas wish ni Estrada dahil tatagal ito ng halos siyam na araw, iginiit ni Estrada na sana ay payagan itong makalabas mula Dis. 24-27, at Dis. 31-Enero 2, 2007.

Ipagdiriwang ang kaarawan ni San Juan Mayor JV Ejercito sa Disyembre 26 at gustong dumalo ng dating pangulo.

Hindi pinagbigyan ang pinakahuling mosyon ni Estrada na makadalaw noong Oktubre kay Doña Mary tuwing weekend dahil napuna ng korte na mas ginugugol ng dating pangulo ang kanyang panahon sa pakikipag-usap sa mga political leader at hindi sa ina. (Malou Escudero)

BAGONG TAON

DISYEMBRE

EJERCITO

ENERO

IPAGDIRIWANG

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ESTRADA

RENE SAGUISAG

SAN JUAN

SAN JUAN MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with