^

Bansa

‘Nurse magserbisyo muna bago mag-abroad’ – solon

-
Dahil sa pangambang maubos na ang mga nurse sa Pilipinas, isinulong ni Negros Occidental Rep. Tranquilino Carmona ang isang panukalang batas na magpaparusa sa mga ahensiya na magpapaalis sa mga Pinay nurses na hindi pa nakapagbibigay ng serbisyo sa bansa.

Sa kanyang House Bill 5791, nakapaloob ang multang mula P50,000 hanggang P100,000 at pagkabilanggong mula 6-10 taon ang naghihintay na parusa sa mga opisyal at empleyado ng mga ahensiya.

Ayon kay Carmona, kung hindi kikilos ang Kongreso at magpapasa ng batas ay baka wala nang matirang nurse sa mga ospital dahil mas pinipili pa ng mga ito ang mangibang-bansa.

"By a decade more of our hospitals, clinics and even the teaching staff of colleges and universities may be emptied of competent nurses if no appropriate measure is undertaken," ani Carmona.

Aminado si Carmona na isa ring doktor, na maging ang mga kasamahan niya sa dating propesyon ay nag-aaral na rin ng nursing upang makakuha ng trabaho sa ibang bansa.

Sa ilalim ng panukala, ang mga nurses na nais mag-abroad ay kailangang kumuha ng sertipikasyon mula sa Professional Regulation Commission (PRC) na magpapatunay na nagtrabaho sila ng 2-taon sa Pilipinas. (Malou Escudero)

AMINADO

AYON

CARMONA

HOUSE BILL

MALOU ESCUDERO

NEGROS OCCIDENTAL REP

PILIPINAS

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

TRANQUILINO CARMONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with