^

Bansa

Buyers ng Maynilad dapat suriin — Pimentel

-
Iginiit kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na dapat munang suriing mabuti ang prospective buyers ng Maynilad Services Inc. para matiyak na hindi sunud-sunod ang pagtaas sa singil ng tubig tulad ng nangyari matapos mabili ng Maynilad ito mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Sinabi ni Sen. Pimentel, dapat tingnan muna ng Senado at Kamara ang kahilingan ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KAAKBAY), isang consumer group, na imbestigahan ang proseso ng bidding dahil na rin sa ‘alingasngas’ na nagkaroon ng "lutuan" sa nabanggit ng bidding.

Nangangamba din si Pimentel na magiging sunud-sunod na ang pagtaas ng singil sa tubig tulad ng ginawa ng Maynilad nang mabili nila ito sa MWSS kung saan makalipas ang 8 taon ay walang-humpay ang pagtaas sa singil nito.

Nanawagan ang KAAKBAY na muling isalang sa re-bidding ang 84 porsiyento ng equity ng Maynilad dahil na rin sa mga kwestyonableng katauhan ng mga bidders.

Kabilang sa mga binigyan ng accreditation ng MWSS sa bidding ay ang DM Consunji at Metro Pacific Group, Manila Waters Co., Nonday Asset Management Asia of Singapore at Karunakan Ramchand ng India. (Rudy Andal)

ANAK

KARUNAKAN RAMCHAND

MANILA WATERS CO

MAYNILAD

MAYNILAD SERVICES INC

METRO PACIFIC GROUP

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

NONDAY ASSET MANAGEMENT ASIA OF SINGAPORE

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with