Desisyon ng SC sa plebisito, wag unahan!
October 25, 2006 | 12:00am
Binatikos ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) ang banta ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na hindi magtatrabaho ng kanilang poll duties sakaling paboran ng Supreme Court ang plebisito tungo sa Constitutional amendments dahil na rin sa peoples initiative.
Ayon kay PDSP spokesman Atty. Nonong Ricafrente, ang pagbo-boycot sa election at pagtangging makilahok sa election duties ay maituturing na "unpatriotic" act. Aniya, dapat na mahigpit na ituro ang patriotism at hindi ang pagiging rebelde at pagsuway sa batas.
Sinabi ng grupo na dapat na magsilbing modelo ang mga guro at ipakita ang kanilang respeto at huwag unahan ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa magiging desisyon nito.
Sa halip na magkasala mas makabubuti pang pagtuunan na lamang ng pansin ng mga guro ang kanilang pagtuturo at gawin ang kanilang mga responsibilidad sa eleksiyon.
Idinagdag pa ng grupo na pagkakataon na rin ng mga guro na baguhin ang kanilang mga ugali upang mas tumaas ang pagkilala at paggalang sa kanila ng kanilang mga estudyante. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended