^

Bansa

OAAP umalma sa baklas-billboard

-
Umalma ang Outdoor Advertising Association of the Philippines (OAAP) sa ginagawang pagbabaklas ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga lehitimong billboards na nakatirik sa pribadong lupa.

Ayon kay Claro Llave, chairman ng OAAP, dapat sana’y magpadala muna ng liham na paalala ang mga awtoridad sa mga may-ari ng billboards upang magkaroon ng pagkakataon ang mga lehitimong negosyante na maibigay ang kanilang panig na naaayon naman sa umiiral na batas.

Bagama’t hindi aniya nila tinututulan ang inilabas na administrative Order 160 ng Malacañang na nagbibigay kapangyarihan sa DPWH upang maisaayos ang kanilang industriya, hindi naman aniya ito nangangahulugan na mayroon ng "blanket authority" si Secretary Hermogenes Ebdane, Jr., upang isakatuparan ang walang habas na pagbabaklas ng mga billboards.

Ani Llave, bago ideklara na panganib sa buhay at ari-arian ang itinayong billboards, dapat ay mayroong mai-prisintang dokumento ang gobyerno na magpapatunay na sinuri nila ng husto ang istraktura at hindi ito ligtas sa pinagtayuang lugar.

Gayunman, nilinaw ng OAAP na hindi nila tinututulan ang pagbabaklas sa mga billboards na lubhang mapanganib sa mga pedestrians tulad ng nakalagay sa MRT, mga poste, overpass, waiting sheds at sa mga pangunahing lansangan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANI LLAVE

AYON

BAGAMA

CLARO LLAVE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OUTDOOR ADVERTISING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

SECRETARY HERMOGENES EBDANE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with