^

Bansa

Pagsalakay ng NPA kinondena ni GMA

-
Kinondena kahapon ni Pangulong Arroyo ang ginawang pagsalakay at panununog ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa bagong tayong airport sa Silay City, Negros Occidental. Sinabi ni PGMA, ang ginawang ito ng NPA ay isang uri ng terorismo.

Umaabot sa P30 milyon ang halaga ng naging pinsala sa ginawang panununog ng NPA sa Silay airport.

Nanawagan naman kahapon sina Bacolod Rep. Monico Puentevella at Leyte Rep. Eduardo Veloso sa NPA na tigilan na ang pananalakay sa mga mahahalagang proyekto ng gobyerno na malaking perwisyo sa taumbayan.

Sinabi ni Rep. Puentevella, nadiskaril ang pangarap ng kanyang mga kababayan na magkaroon ng modernong paliparan para mapabilis ang kalakalan sa kanilang lalawigan dahil sa ginawang pananalakay ng NPA.

Wika naman ni Rep. Veloso, hindi dapat idamay ng NPA ang mga proyektong magbibigay ng kaginhawan sa taumbayan. (Lilia Tolentino/Malou Escudero)

BACOLOD REP

EDUARDO VELOSO

LEYTE REP

LILIA TOLENTINO

MALOU ESCUDERO

MONICO PUENTEVELLA

NEGROS OCCIDENTAL

NEW PEOPLES ARMY

PANGULONG ARROYO

SILAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with