^

Bansa

Pumipigil sa People’s Initiative binira

-
Inupakan kahapon ng mga municipal mayors ang elistang grupo na pumipigil sa pagbabago ng Konstitusyon sa kanilang walang humpay na paghamak sa petisyon sa People’s Initiative na sinuportahan ng 6.3 million verified voters sa buong bansa.

Ayon sa League of Municipalities of the Philippines (LMP), ang mga kritikong ito ng Charter change, karamihan sa kanila ay kilala sa EDSA 1 at 2, ay guilty sa "double standard" sa paninira sa totoong People’s Initiative dahil sa aktibong pagkakasangkot ng elective officials nationwide, habang pinuri ang dalawang tahimik na pag-aklas bilang People Power revolution sa kabila ng paglahok ng katulad ding local executives.

Sinabi ni LMP spokesman at Naval, Biliran Mayor Gerry Espina Sr., na itong mga personalidad ng EDSA 1 at 2 na kumokontra sa Charter change ay patunay lamang na ang pagkakasangkot ng elected officials ay makokonsiderang bahagi ng People Power na gawain lamang ng mga gustong magpabagsak sa Pangulo.

Sinabi pa ni Espina na kapag hindi pinalitan ang Konstitusyon ngayon ay maaaring hindi na magkakaroon pa ng pagbabago dahil ang maaaring kapalit ni Presidente Arroyo at mga susunod na senador ay hindi papayag na palitan ang Konstitusyon sa panahon ng kanilang termino. (Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BILIRAN MAYOR GERRY ESPINA SR.

ESPINA

INUPAKAN

KONSTITUSYON

LEAGUE OF MUNICIPALITIES OF THE PHILIPPINES

PEOPLE POWER

PRESIDENTE ARROYO

RUDY ANDAL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with