^

Bansa

Libel sa ina ni Nicole

-
Sasampahan ng kasong libelo ng Department of Justice (DOJ) ang ina ng Subic rape victim kung mapapatunayang nagsisinungaling ito sa mga ipinahayag na "pabaya" ang mga public prosecutors na humahawak ng kasong rape nito.

Ayon kay Justice Sec. Raul Gonzalez, hindi mangingimi ang DOJ na sampahan ng kasong libelo ang nanay ni Nicole na si Susan Nicolas dahil isang malaking kasiraaan umano sa panig ng prosecution ang mga ipinahayag nito na pinapabayaan ng mga piskal ang kaso ng anak nito. Aniya, susuriing mabuti ng DOJ kung mayroong malisya o nais lamang sirain ni Susan ang kredibilidad ng mga public prosecutors na humahawak sa kasong rape ni Nicole.

Sa liham na ipinadala ni Nicole kay Gonzalez na inihatid ng kanyang ina, sinabi nito na hindi umano siya nirerespeto ng mga prosecutors at hindi umano maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kanya,

Maging sa mga pagdinig ay late umanong dumarating ang mga ito kung saan ang iba ay talagang absent. Minsan pa aniya, sinasaway siya sa kanyang pag-iyak kung kaya nakakaramdam umano ito ng kawalan ng respeto sa sarili. (Grace dela Cruz)

ANIYA

AYON

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

GONZALEZ

JUSTICE SEC

MINSAN

RAUL GONZALEZ

SUSAN NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with