^

Bansa

1997 ruling sa People’s Initiative pinapa-review sa SC

-
Pinaparebisa sa Korte Suprema ang 1997 ruling sa batas na patungkol sa karapatan ng mamamayan para sa sariling inisyatibo, ito’y kasunod ng pahayag ng mga constitutional reform advocate na maaaring baguhin ang 1987 Charter sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Kinuwestyon nina Raul Lambino ng Sigaw ng Bayan at Bohol Governor Erico Aumentado ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang ligalidad sa pagkatig ng Alternative Law Groups Inc. (ALG), One Voice at gayundin si Atty. Pete Quirino-Quadra sa pagsalungat sa kanilang kaso sa Mataas na Tribunal.

Pinunto nina Lambino at Aumentado na ang ALG at One Voice ay hindi maaaring panghimasukan ang kaso dahil nabigo silang tupdin ang mga kinakailangan nilang gawin para sa ligal na katayuan.

Inatasan ang mga sumasalungat sa pagbabago ng Saligang Batas na patunayan na sila’y nagsisipagbayad ng buwis at rehistradong botanteng kumakatawan sa iba’t ibang interes ng mamamayan at nakaranas sila ng ‘direct injury’ sa pagkaka-dismiss ng Comelec sa milyong verified signatories.

"Kung mayroon mang nakaranas ng ‘direct injury’ ay yaong mga petitioner dahil ang petisyon nila para sa inisyatibo ay ibinasura ng Comelec," ani Lambino at Aumentado.

Pinabulaanan din nina Lambino at Aumentado na ang constitutional amendments na iminumungkahi ng 6.3 million registered voters via People’s Initiative ay magiging dahilan ng No-Election, pagpahaba sa termino ng incumbent officials at magpapahina sa Korte Suprema.

Sa kabilang dako, nabigo naman si Quadra, kahit Filipino citizen pa ito, na patunayan ang iba pang mga requirement na kinakailangan para sa ligal na katayuan para makapanghimasok sa kaso. (Grace dela Cruz)

ALTERNATIVE LAW GROUPS INC

AUMENTADO

BOHOL GOVERNOR ERICO AUMENTADO

COMELEC

KORTE SUPREMA

LAMBINO

ONE VOICE

PETE QUIRINO-QUADRA

RAUL LAMBINO

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with