^

Bansa

Dahil sa P1,000: Bulacan mayor posibleng masibak!

- Ni Angie dela Cruz -
Nanganganib na masibak sa puwesto ang alkalde ng San Miguel, Bulacan dahil umano sa pangingikil ng P1,000 sa isang mining company.

Batay sa dokumentong nakalap sa Sandiganbayan sa Quezon City, nabatid na naghain ng reklamo ang Rosemoor Mining and Development Corp. laban kay Mayor Edmundo Josie T. Buencamino bunsod ng paghingi ng "pass way fee" sa mga truck ng nasabing kompanya.

"Ang hakbanging ito ni Mayor Buencamino ay hindi sinusuportahan ng anumang resolusyon o ordinansa mula sa Sangguniang Bayan ng San Miguel," giit ni Constantino A. Pascual, may-ari ng Rosemoor sa kanyang sinumpaang salaysay.

Ang pahayag ni Pascual ay sinegundahan pa ng pagdedeklara ng Sangguniang Panlalawigan ng Malolos na walang bisa at legal na basehan.

Ayon pa sa ulat, hindi naman ang alkalde ang direktang nangongolekta ng "pass way fee" kundi isang umano’y Roberto Tabarnero.

Nabatid na maliban sa kasong "katiwalian" na isinampa ng Rosemoor, patung-patong din umano ang reklamo laban kay Buencamino na karamihan ay may kinalaman sa korapsiyon.

Napag-alaman na noon pang Agosto 14, 2006 pinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng anim na buwang suspension si Buencamino subalit naudlot ang pagpapatupad nito matapos ang tatlong araw nang maglabas naman ng temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals na may bisa ng 60 araw.

BUENCAMINO

CONSTANTINO A

COURT OF APPEALS

MAYOR BUENCAMINO

MAYOR EDMUNDO JOSIE T

QUEZON CITY

ROBERTO TABARNERO

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with