9 opisyal ng PCGG, Philcomsat pinapaaresto sa NBI, PNP
September 16, 2006 | 12:00am
Humingi na ng saklolo ang Office of the Senate Sergeant at Arms (OSSAA) sa NBI at PNP upang arestuhin ang siyam na opisyal ng PCGG at Philcomsat na may outstanding warrant of arrest dahil sa pag-isnab ng mga ito na dumalo sa pagdinig ng Senado. Pinapaaresto sina PCGG Commissioners Ricardo Abcede, Nicasio Conti, Narciso Nario at Tereso Javier gayundin ang mga opisyal ng PHC na sina Benito Araneta; Philip Brodet; Manuel Andal; Julio Jalandoni at Atty. Luis Lokin Jr.
Kahapon ay isinalang muli sa imbestigasyon ng Senado si PCGG chairman Camilo Sabio pero nanatiling tahimik lamang ang opisyal kaya walang napigang mahahalagang impormasyon mula sa kanya. Sinabi naman ni Abcede na kung gusto siyang arestuhin ay hanapin siya dahil hindi siya susuko. (Rudy Andal/Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest