^

Bansa

Ocular inspection sa oil spill

-
Magsasagawa ngayon ng ocular inspection si Senate President Manuel Villar Jr. sa lalawigan ng Guimaras upang alamin ang lawak ng naapektuhan ng oil spill matapos lumubog sa Guimaras Strait ang MT Solar na may kargang 3 milyong litro ng gasolina ng Petron.

Ayon kay Sen. Villar, hindi biro ang idinulot na perwisyo ng oil spill sa nasabing lalawigan na pinangangambahang lumawak pa dahil hanggang ngayon ay hindi pa napapalutang ang lumubog na barko na pag-aari ng Sunshine Maritime na may kargang 2 milyong litro ng langis.

Ayon naman kay Sen. Rodolfo Biazon, walang sapat na kakayahan ang Sunshine Maritime, ang may-ari ng barko na lumubog para tumulong sa rehabilitasyon kaya dapat lang na tumulong ang Petron dahil pag-aari naman nila ang mga bunker oils na kumalat.

Mayroon lang daw P5M kapital at P9M kabuuang ari-arian ang nabanggit na kumpanya, at kung pagsasamahin ay P14M lang ito, masyadong mababa para sa panggastos sa paglinis ng karagatan.

Nakatakdang mag-imbestiga ang Joint Committee on Clean Water Act, pero sinabi ni Sen. Pia Cayetano, chairman ng committee on environment and natural resources na tutungo din siya sa lugar ngayon. (Rudy Andal)

AYON

CLEAN WATER ACT

GUIMARAS STRAIT

JOINT COMMITTEE

PETRON

PIA CAYETANO

RODOLFO BIAZON

RUDY ANDAL

SENATE PRESIDENT MANUEL VILLAR JR.

SUNSHINE MARITIME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with