^

Bansa

Ekonomiya malulumpo uli sa impeachment — Revilla

-
Tinukoy kahapon ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. na ang bansa ang lubhang maaapektuhan ng multiple impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Arroyo ng iba’t ibang grupo.

Ayon kay Sen. Revilla, hindi naman ang Pangulo ang lubhang naaapektuhan ng pagsasampa ng impeachment case kundi ang ekonomiya ng bansa.

Aniya, noong maghain ng unang impeachment complaint laban kay PGMA ay umabot sa P56.44 ang palitan ng piso sa dolyar gayundin ang pagbagsak ng ating stock market dahil sa naging wait and see attitude ng mga negosyante.

Ipinaliwanag pa ni Revilla, matapos malampasan ng Pangulo ang unang impeachment complaint ay nagsagawa agad ng mga programang pang-ekonomiya si PGMA hanggang sa makabangon tayo at narating ang P51.43 palitan ng piso kontra dolyar noong Pebrero 10, 2006.

"It is only frustrating that just about when the country is slowly moving forward again, some camps have seemingly made it a point to drive the country backward," dagdag pa ng mambabatas.

Ikinalulungkot din ni Revilla na ginagamit ng ilang pulitiko ang impechment issue upang maisulong ang kanilang pampulitikang ambisyon habang nalalapit na ang May 2007 elections.

"The President was never given a chance to fully implement her programs for the Philippines and our people. Even before day one, some camps have already resolved to make sure she never succeeds," dagdag pa ni Revilla. (Rudy Andal)

ANIYA

AYON

IKINALULUNGKOT

IPINALIWANAG

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PEBRERO

REVILLA

REVILLA JR.

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with