^

Bansa

Romanian tiklo sa marijuana

-
Isang 29-anyos na Romanian national ang hinuli ng mga tauhan ng 2nd Police Center for Aviation Security (PCAS) sa Manila Domestic Airport dahil sa pag-iingat ng mga pinatuyong dahon ng marijuana.

Nakilala ang nadakip na si Sarah Sid Ahmed, 29, isang Romanian na pansamantalang naninirahan sa Jupiter Hotel sa lungsod ng Makati.

Nakuha kay Ahmed ang apat na sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na nasa loob ng kanyang bra.

Sa isinagawang imbestigasyon, nakatakdang sumakay si Ahmed sa Sea Air flight DG 735 kahapon ng umaga patungong Caticlan nang madakip sa initial check-in ng Manila Domestic Airport.

Nakapa ni Anna Aycocho, duty body frisker, ang isang matigas na bagay sa loob ng bra ni Ahmed habang sumasailalim sa mandatory body frisking ang dayuhan.

Para makatiyak kung ano ang matigas na bagay sa bra ni Ahmed, dinala ito ni Aycocho sa rest room ng paliparan para doon ito busisiin. Nang tanggalin ni Ahmed ang bra ay nahulog ang apat na plastic sachet ng dahon ng marijuana.

Inamin ni Ahmed na ang marijuana ay binili niya sa isang babaeng nakilala niya sa isang bar sa Makati City. Sasampahan ng PNP-ASG ang dayuhan ng paglabag sa RA 9165 . (Butch M. Quejada)

AHMED

ANNA AYCOCHO

AVIATION SECURITY

BUTCH M

JUPITER HOTEL

MAKATI CITY

MANILA DOMESTIC AIRPORT

POLICE CENTER

SARAH SID AHMED

SEA AIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with