^

Bansa

Taas sa krudo, P4/litro; P125 dagdag-sahod hirit

-
Patuloy na lolobo ang presyo ng krudo sa darating na buwan ng Mayo matapos na hindi pa rin mapigil ang pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan habang sasabay din ang liquefied petroleum gas (LPG) na inaasahang muling hahataw ang presyo.

Ayon kay Petron spokesperson Virginia Ruivivar, posibleng umabot sa P4 kada litro ang itataas ng kanilang produktong petrolyo dahil kailangan na nila umanong mag-adjust ng presyo dahil sa paglobo ng presyo nito sa world market.

Bukod dito ay nagbabala rin ang mga kompanya ng langis sa posibleng pagtataas ng P1.78 kada kilo sa produktong LPG o kabuuang P19.58 para sa 11kg na tangke ngayong pagpasok ng Mayo.

Sinabi naman ni Energy Secretary Rafael Lotilla na kailangang maging handa ang bansa sa pagharap sa problemang ito dahil hindi umano ito mapipigil.

"It is a worldwide reality that the prices are up," saad ni Lotilla.

Sa panig ng DOE, wala silang karapatang magpahayag ng magiging halaga ng langis dahil mayroon silang sariling computation nito at hindi maaaring maging benchmark ng mga oil suppliers.

Sa benchmark ng Dubai oil, umabot sa $4 ang itinaas nito mula sa dating $63.87 noong Marso na ngayon ay umaabot na sa $67.87/bariles.

Patuloy naman ang P1 discount na ibinibigay ng mga kumpanya ng langis sa mga tsuper ng bus at dyip.

Samantala, nanawagan na kahapon kay Pangulong Arroyo si Zamboanga del Norte Rep. Roseller Barinaga na suportahan ang pagpasa ng P125 legislated wage increase bilang regalo sa mga manggagawa ngayong darating na Labor Day.

Sinabi ni Barinaga na tumitindi na ang pangangailangan na maipasa ang nasabing panukalang batas dahil sa nakaambang sunud-sunod na oil price hike at LPG.

"We in Congress urge the President to fully support the granting of the P125 wage increase and this should be her gift to the Filipino workers as they celebrate Labor Day next week," ani Barinaga. (Edwin Balasa/Malou Escudero)

vuukle comment

BARINAGA

EDWIN BALASA

ENERGY SECRETARY RAFAEL LOTILLA

LABOR DAY

MALOU ESCUDERO

NORTE REP

PANGULONG ARROYO

PATULOY

ROSELLER BARINAGA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with