^

Bansa

Pacquiao nanguna sa pagbabayad ng buwis

-
Personal na nagtungo kahapon sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Quezon City ang People’s Champion na si Manny Pacquiao upang bayaran ang kanyang buwis.

Nakipagkita si Pacquiao kay BIR Commissioner Jose Mario Bunag upang i-abot ang kanyang bayad na tamang buwis kaugnay ng milyun-milyon niyang kinita noong nakaraang taon.

Personal ding hinikayat ni Pacman ang mga taxpayers na magbayad ng buwis at huwag nang hinatayin pa ang itinakdang April 17 deadline ng ahensiya sa layuning makaiwas sa anumang aberya.

Una nang nagboluntaryo si Pacquiao na gawing role model ang kanyang sarili sa BIR hinggil sa pagbabayad ng tamang buwis matapos linisin ng ahensiya ang pangalan ni Pacman sa isyu ng anumang hindi tamang pagbabayad ng buwis. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BUWIS

COMMISSIONER JOSE MARIO BUNAG

CRUZ

NAKIPAGKITA

PACMAN

PACQUIAO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with