Lumantad, harapin ang kaso
March 17, 2006 | 12:00am
Umapela ang mga kongresista kay dating SenadorGringo Honasan na lumabas sa lungga at harapin ang paratang na sangkot ito sa nabigong Oakwood mutiny noong Hulyo 27, 2003.
Sa pinagsamang kalatas, sinabi nina Malabon-Navotas Rep. Federico Sandoval at Leyte Rep. Eduardo Veloso na hindi makakatulong ang ginagawang pagtatago ni Honasan matapos na ibuking ni Army Capt. Manuel Darius Ressuello na pinamunuan ng dating senador ang ginawang pagpupulong ng binuong grupong Magdalo noong gabi ng Hunyo 4, 2003.
Hinimok pa ni Sandoval si Honasan na lumantad na lamang at pabulaanan sa harap ng korte ang paratang.
"Kung walang kasalanan, dapat hindi siya nagtatago. The longer he hides, the deeper hes digging his legal grave," pahayag pa ni Sandoval.
Ipinagtataka rin ng vice chairman ng House committee on appropriations kung bakit palaging nagtatago si
Honasan, tulad ng isang kriminal, kapag nasasangkot ang pangalan nito sa anumang pagtatangka laban sa pamahalaan.
Naniniwala rin si Sandoval na hindi masisisi ang AFP na magsagawa ng malawakang paghahanap sa dating senador dahil mas pinili pa ni Honasan na magtago matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang korte sa kasong rebelyon dahil sa bigong mutiny.
"The AFP also linked him to the aborted coup plot last month. He should clear himself of these charges," sang-ayon pa kay Sandoval. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended