^

Bansa

Marcoleta, nag-plead ng ‘not guilty’ sa plunder

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Marcoleta, nag-plead ng ‘not guilty’ sa plunder
Sen. Rodante Marcoleta is seen wearing the yellow BJMP shirt as he pleads not guilty to both charges of plunder and violation of Presidential Decree 46 during a hearing at the Sandiganbayan's Third Division on July 22. 2026
Ghio Ong

MANILA, Philippines — Nagpasok ng not guilty plea si Sen. Rodante Marcoleta sa kasong plunder at paglabag sa Presidential Decree 46 sa isinagawang pagbasa ng sakdal sa Sandiganbayan Third Division, kahapon.

Isinagawa ang arraignment matapos ­bawiin ng kampo ng senador ang naihain nitong motion to quash, dahilan upang simulan ng graft court ang pag-aksyon sa dalawang kaso.

Nagpasok din ng not guilty plea ang kapwa akusado ni Marcoleta na si Joseph Varias Espiritu, isang negosyanteng kaibigan ng senador.

Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y pagtanggap ni Marcoleta ng campaign fund na nagkakahalaga ng P75 milyon na hindi naideklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa senatorial elections noong 2025.

Ayon sa Ombudsman, hawak nila ang ebidensiya kaugnay ng tatlong cash donations na may kabuuang P75 milyon na hindi umano idineklara ng senador. Giit ng mga kaibigan ni Marcoleta, nais umano nilang manatiling anonymous ang pinagmulan ng pondo.

Samantala, sa kasong paglabag sa Presidential Decree 46, ipinagbaba­wal ng batas ang pagtanggap ng anumang uri ng regalo ng isang public official.

RODANTE MARCOLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with