^

Bansa

Pinoy doctor nawawala sa Nepal flash flood

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pinoy doctor nawawala sa Nepal flash flood
An aerial view shows houses lying deluged in sludge after flash floods at Devighat, Bidur municipality in Nepal’s Nuwakot district yesterday. A grab from CCTV footage (top inset) shows people fleeing as a wall of mud and water destroys buildings in a valley at the Nepal- Tibet border.
AFP

MANILA, Philippines — Natukoy na isa palang doktor na dumadalo lamang ng isang pilgrimage sa Nepal ang kabilang sa mga indibidwal na kasalukuyan pa ring nawawala matapos ang pananalasa ng isang flash flood sa Nepal-Tibet border ka­makailan.

Sa isang Facebook post ni Chiara Manalo, sinabi nitong ang kanyang kapatid na si Juan Carlos Manalo, isang doktor, ay bumibiyahe kasama ang isang grupo ng mga pilgrims nang maganap ang trahedya.

Simula aniya noon ay nawalan na sila ng kontak sa doktor, na huli umano nilang nakausap dakong ala-1:21 ng hapon, oras sa Pilipinas, noong Martes, Agosto 25, isang araw bago ang pananalasa ng flash flood.

Ayon pa kay Chiara, ang huling lokasyon ng grupo nito na natukoy nila ay sa immigration office sa Gyirong, na nasa Tibetan side ng border.

Nabatid na si Juan Carlos, na nagtungo sa lugar noon pang unang bahagi ng Agosto, ay kasama ng Kailash Mansarovar Yatra pilgrimage group na inorganisa ng Isha Foundation, na isang India-based spiritual organization, na pinamumunuan ni Sadhguru Jaggi Vasudev.

Sa isang social media post naman noong Miyerkules, sinabi ni Sadhguru na 77 ­pilgrims mula sa isa nilang Kailash group ang nasa Gyirong immigration office, at pabalik na sa India mula sa ­pilgrimage, nang tamaan ng pagbaha ang lugar.

Wala pa umano silang opisyal na impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga ito sa ngayon.

NEPAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with