^

Bansa

20 ‘hitman’ ni Sara hinahanting - NBI

Joy Cantos, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
20 ‘hitman’ ni Sara hinahanting - NBI
Screengrabs from a video from Vice President Sara Duterte during a midnight online press conference on Nov. 23, 2024.
OVP

MANILA, Philippines — Mababa na lang sa 20 ang natukoy ng National Bureau of Investigation (NBI) na “persons of interest” na posibleng kinontrata umano ni Vice President Sara Duterte bilang assassin laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang inihayag ni NBI Director Melvin Matibag, huling testigo ng prosecution panel sa grave threat case sa pagpapatuloy ng impeachment trial. Ayon kay Matibag, mayroon na silang listahan ng mga pangalan at nakausap na rin ang ilang pamilya at kakilala ng mga indibidwal.

“Nagsimula po kami sa maraming pangalan and we’d narrowed it down. Siguro ito na ina­antay ng marami rin na finally ma-identify natin. We are narrowing it down already to a less than 20 individuals at may mga pangalan na po kami nito. Sa katunayan po, yung iba po rito kausap na po namin yung kanilang mga pamilya o kakilala,” sagot ni Matibag matapos tanungin ni Senator-judge Joel Villanueva.

“So ganun po yung proseso. That’s why sinabi ko baka in 3 to 6 months we can finally identify kung sino yung personalidad na yun po,” ani Matibag.

Inamin din ni Matibag na kabilang sa persons of interest ang nasa Vice Presidential Security Group (VPSPG), na binubuo ngayon ng mahigit 300 sundalo matapos tanggalin ang 77 miyembro ng PNP. Giit niya, “there are men in uniform who are in active service,” at tinaya na nasa 6–7 sa scale na 1–10 ang posibilidad na matukoy na ng NBI ang kinontrata ni VP Duterte.

Samantala, binigyang-diin ni prosecution spokesman Rep. Zia Alonto Adiong na hindi dapat hintayin pang ma­ging bala ang mga salita bago kumilos laban sa banta sa buhay ni PBBM, First Lady Liza Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.

Sa pagharap ni Matibag, tinapos ng prosecution panel ang presentasyon ng ebidensya sa Article IV o grave threat laban kay VP Sara.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with