^

Bansa

Mayorya ng Pinoy, walang tiwala sa China — OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mayorya ng Pinoy, walang tiwala sa China — OCTA
Chinese vessels were spotted at the Scarborough Shoal during the maritime patrol of the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) on September 22, 2023.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nasa 64% ng mga Pilipino ang walang tiwala sa China batay sa 2nd quarter Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, mas mataas kaysa 55% noong Marso 2026. Sa naturang bilang, 37% ang nagsabing “medyo hindi” dapat magtiwala, 27% ang “lubos na hindi,” 14% ang may tiwala, habang 21% ang undecided.

Isinagawa ang survey kasabay ng ika-10 anibersaryo ng 2016 Permanent Court of Arbitration ruling sa West Philippine Sea. Ayon sa OCTA, bumaba nang bahagya ang trust sa China sa 14% at patuloy na lumiit ang bilang ng undecided, indikasyong mas dumarami ang nagkakaroon ng matibay na pananaw ng kawalan ng tiwala.

Pinakamataas ang distrust rating sa Balance Luzon (67%), sinundan ng Visayas (63%), Mindanao (62%), at NCR (59%). Sa socioeconomic classes, nakapagtala ng 66% ang Class ABC, 63% ang Class D, at 67% ang Class E. Pinakamataas ang undecided sa Class D (23%) at pinakamababa sa Class E (17%).

OCTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with