^

Bansa

Kampanya vs smugglers, giit paigtingin

-
Hinamon kahapon ng grupong Aksyon Sambayanan (AkSa) ang Bureau of Customs, mga pulis at iba pang ahensiya na dagdagan pa ang pagmamanman at paghuli sa mga smugglers na nananabotahe sa ekonomiya at mga kasapakat nito sa gobyerno.

Ayon sa AkSa, dahil sa mga smugglers at iba pang tax evaders ay ‘natutuyo’ umano ang ating bansa dahil tinatayang P200 bilyon kada taon ang nawawala sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ikinatuwa naman ng grupong Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) ang pagkakahuli sa isang big-time smuggler sa bansa na si Samuel Lee kung saan maituturing umano ito na isang hakbang para sa radikal at pagbabago sa lipunan kung kaya’t kailangan pang hanapin ang iba pang katulad nito.

Ayon pa sa PDSP, kung naging matigas lamang ang pamahalaan sa paniningil ng buwis at mawawala ang korapsiyon sa bansa ay hindi na maghihirap pa ang maraming Pilipino. (Angie dela Cruz)

AKSYON SAMBAYANAN

ANGIE

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CRUZ

HINAMON

IKINATUWA

PARTIDO DEMOKRATIKO-SOSYALISTA

SAMUEL LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with