^

Bansa

Lady solons iti-takeover ang Kamara

-
Isang mahalagang araw ngayong Lunes para sa mga babaeng mambabatas dahil patatakbuhin ng mga ito ang sesyon ng Kamara bilang pagdiriwang sa buwan ng mga kababaihan.

Si Congw. Josefina Joson (1st District Nueva Ecija) ang aaktong House Speaker sa loob ng isang araw samantalang sina Congw. Nanette Daza ng Q.C. at Baisendig Dilangalen ng Maguindanao ang posibleng maging majority at minority leaders sa sesyon.

"Isang pambihirang pagkakataon ito na ibinibigay sa mga babaeng mambabatas taun-taon. Kaya naman sisiguruhin naman na maisulong ang mga pro-women at family bills sa Kamara na kailangan nang aksyunan," ani Congw. Cynthia Villar, presidente ng lady legislators group.

Ang lady legislators ay pangungunahan ang plenaryo sa isang pribilehiyong pagtatalumpati tungkol sa "Women’s Participation in Society", Women’s Governance" naman si Rep. Liza Maza, "Anti-Prostitution" si Rep. Ana Theresia Hontiveros-Baraquel at ang "Women in Technological Advances" ay si Rep. Nanette Castelo-Daza.

Ang selebarsyon na may temang "CEDAW ng Bayan, Sigaw ng Kababaihan", ay mag-uumpisa sa pamamagitan ng misa ng pasasalamat at photo exhibit na magtatampok sa pagsisikap ng mga babaeng mambabatas sa pagsusulong ng karapatan ng kababaihan. Magkakaroon ng talakayan tungkol sa Convention on the Elimination of Discrimination Against Women at magkakaloob ng serbisyong medical tulad ng pap smear at breast examination para sa kababaihang empleyado ng Kamara at sa Payatas, Fairview at Novaliches, Quezon City at libreng ear piercing sa mga bata, mula kay Rep. Janette Garin. (Malou Rongalerios)

ANA THERESIA HONTIVEROS-BARAQUEL

BAISENDIG DILANGALEN

CONGW

CYNTHIA VILLAR

DISTRICT NUEVA ECIJA

ELIMINATION OF DISCRIMINATION AGAINST WOMEN

HOUSE SPEAKER

ISANG

KAMARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with