.50 sentimos rolbak sa petrolyo
February 26, 2006 | 12:00am
Sa gitna ng kaguluhan sa bansa, nagrolbak ang mga kompanya ng langis sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.
Alas-6 kagabi ay ibinaba ng UniOil, Caltex, Shell at Petron ng 50 setimos ang presyo ng kanilang diesel, gasoline at kerosene habang inaasahan namang susunod sa katulad na rolbak ang iba pang kompanya.
Ayon kay Energy Sec. Raphael Lotilla, ang naganap na pagbabawas ay sanhi ng pagbaba ng presyo ng world oil price ngayong buwan matapos magdesisyon ang Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na ipagpatuloy ang produksiyon nito mula Abril-Hunyo, 2006.
Sa datos ng ahensiya, ang Dubai crude ay nagbaba ng 76 cents sa kabuuang $57.68 kada bariles ngayong Pebrero habang umabot ito ng $58.44 noong Enero. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest