^

Bansa

3,876 residente nagka-trabaho

-
Umaabot sa 3,876 na walang trabahong mga residente ng Caloocan ang nabigyan ng hanapbuhay sa isinagawang 6th mega job fair na ginanap sa harapan ng City Hall kahapon.

Sinabi ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri, libu-libong aplikante na mga residente ng lungsod at iba pa na nagmula sa mga katabing lungsod ang nakisali sa ginanap na mega job fair na pinangunahan ng Department of Urban, Social, Industrial Relations Services (DUSIRS) sa pakikipagtulungan ng Labor Industrial Relations Office (LIRO).

Mayroong 112 kompanya ang nakisali sa mega job fair upang tulungan ang lokal na pamahalaan na bigyan ng disente at magandang hanapbuhay ang mga residente ng lungsod.

Ipinaliwanag ng alkalde na mas magandang bigyan ng disente at magandang hanapbuhay ang mga residente upang matuto ang mga ito na itaguyod ang kanilang pamilya at maging produktibong mamamayan ng Caloocan.

Kabilang sa mga sumali sa job fair ay ang SM, Ever, Flexo, Isetann, Aroma, Dunkin Donuts, CDO, Gotesco, Hotel Sogo, MTC Academy at marami pang iba.

Ang ginanap na mega job fair ay isang paraan ni Echiverri upang bigyan ng hanapbuhay ang mga residente ng Caloocan sa halip na bigyan ang mga ito ng rasyon na pagkain araw-araw.

vuukle comment

CALOOCAN

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CITY HALL

DEPARTMENT OF URBAN

DUNKIN DONUTS

ECHIVERRI

HOTEL SOGO

INDUSTRIAL RELATIONS SERVICES

LABOR INDUSTRIAL RELATIONS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with