Erap naoperahan na
February 3, 2006 | 12:00am
Matagumpay ang isinagawang operasyon sa mga mata ni dating Pangulong Joseph Estrada na isinagawa kamakalawa ng gabi sa San Juan Medical Center.
Sa panayam kay Dr. Lorenzo Hocson, pantay na ngayon ang dalawang mata ni Estrada matapos ang dalawang oras na occuloplasty surgery sa ilalim ni Dr. Juan Sanchez, reconstructive surgeon ng nasabing pagamutan.
Ani Hocson, nasa maayos namang kalagayan ang dating pangulo at sa kasalukuyan ay parehong nakaplaster pa ang mga mata nito.
Maliban sa pagsasaayos ng dermatochalisis nito sa mata at ang pagkakaroon ng preseptal cellulites bunga ng kagat ng insekto, inalis din ang cyst sa kaliwang eyelid ni Estrada na naging sanhi upang maging blurred ang paningin nito.
Tatagal pa ng 5 araw sa ospital si Estrada upang masiguro ang kaligtasan ng isinagawang operasyon. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended