^

Bansa

’Kill impeachment’ nasilip ni de Lima

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangangamba si ML party-list Representative-elect Leila De Lima na hindi matuloy ang pagsasagawa ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte matapos ilipat ang presentasyon ng Articles of Impeachment (AI) mula Hunyo 2 sa Hunyo 11.

Sinabi ni de Lima na ang delay umano ng Senado sa pagtatakda ng paglilitis kay VP Sara ay may senyales na “patayin” ang impeachment trial.

“Bakit nagdi-dilly dally? Isa ’yan sa mga senyales na sa tingin ko, may nangyayari. Sa tingin ko, mayroon nang ganyang usapin, na kino-consider na nila ’yan, to kill the impeachment trial,” sabi ni de Lima.

“I can only foresee on that last day, sasabihin na lang nila na hindi na puwede. Kasi magkakaroon na ng argument, that view na hindi na puwede ma-carry over ‘yung impeachment proceedings na ‘yan, kasi mayroon na tayong bagong Kongreso,” ayon pa kay de Lima.

Sa Hunyo 11 kung matuloy ang impeachment trial ay maaaring basahin lamang dito ng isang prosecutor ang AI at ang Hunyo 12 ay holiday na.

Sinabi naman ni de Lima na ang pag-abandona sa impeachment trial ay senyales nang pag-abandona rin sa pagbibigay ng hustisya.

ML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with