Banat ni Panelo minaliit ng PAPA
MANILA, Philippines — Tinuligsa ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon ang mga patutsada ni dating Duterte Administration legal counsel Salvador Panelo, kung saan hinahanap nito ng solusyon sa mga problema ang Marcos Administration.
“Anong solusyon ang pinagsasabi ni Panelo? Iniwanan nga nila tayo ng trilyong utang,” ani Gadon.
Nabatid na nakautang ng 7.2 trilyong dolyar si Duterte na napunta sa Pharmally.
Aniya, nabulok ang mga gamot sa COVID at mga substandard na tulay at anti-flood projects.
Ayon sa Palace official, dapat tingnan ni Panelo ang mga nagawa na ng Marcos Administration sa loob ng tatlong taon sa pagpapatakbo ng bansa na nakapagpaangat na ng Gross Domestic Product na ngayon ay nasa 5.8 percent na, at 96.1 percent ng employment rate.
Ang ekonomiya aniya ay napansin na rin ng World Bank at iniulat na ang bansa ay pangalawa sa ‘fastest growing economy’ sa Asia at ‘fastest’ sa South East Asian nations.
“Sa illegal drugs P48 billion na ang nakumpiska nang walang namamatay. Noong panahon ni Duterte, extra judicial killings ang nangyari, sa kakaunting huli ng illegal drugs,” wika ng opisyal.
- Latest



















