^

Bansa

$25-B investment papasok dahil sa Northrail project

-
Siniguro kahapon ni Northrail president Jose Cortes Jr. na kapag sinimulan na ang full-blast construction ng modernong train system mula Caloocan City hanggang Clark, Pampanga sa huling linggo ng Pebrero ay bubuhos din ang mga investors sa bansa.

Sinabi ni Transportation Undersecretary Cortes, aabot sa $25 bilyon ang siguradong investment ng isang grupo ng Chinese traders na darating sa bansa sa huling linggo ng Pebrero na nais mismo masaksihan ang full-blast construction ng Northrail.

Ayon kay Usec. Cortes, ang mga Chinese traders na ito ay handang mag-invest sa ating bansa matapos masiguro nilang matutuloy ang Northrail project na mag-uugnay sa Caloocan City hanggang sa Clark. Ang grupo ng Chinese businessmen na ito ay handang mag-invest sa railways, mining, agriculture, tourism at iba pang pagnenegosyo.

Wika pa ni Cortes, sa ngayon ay nagsisimula na sila sa konstruksyon partikular ang paglilinis sa dating PNR railroad track gayundin ang paglalagay ng mga pansamantalang pader upang maiwasang makabalik ang mga dating informal dwellers.

Ipinaliwanag pa ni Mr. Cortes, ang Phase 1 ng proyekto na 32-kilometrong 2-way narrow track system na magmumula sa Caloocan hanggang Malolos, Bulacan ay inaasahang matatapos sa loob ng 3 taon. Ang Malolos-Clark naman ay inaasahang matatapos sa 2010. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANG MALOLOS-CLARK

AYON

BULACAN

CALOOCAN CITY

JOSE CORTES JR.

MR. CORTES

NORTHRAIL

PEBRERO

RUDY ANDAL

TRANSPORTATION UNDERSECRETARY CORTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with