^

Bansa

Lakas sumuporta kay Gloria

-
Nanatiling buo ang suporta ng mga opisyal ng Lakas-Christian Muslim Democrats kay Pangulong Arroyo bagaman nanawagan ang kapartido nitong si dating Pangulong Fidel Ramos na tapusin na ng Pangulo ang kanyang termino sa 2007 kasabay pa ng pagtutol nito sa panukala ng Consultative Commission (Concom) na no-elections (no-el) sa 2007.

Sa ginanap na national directorate meeting kagabi ng Lakas para talakayin ang kanilang stand ukol sa Charter change (Cha-cha), bigo si Ramos na makuha ang susporta ng kanyang ka-partido dahil hindi natalakay ang mga hirit nito. Wala ring naganap na showdown sa pagitan ni FVR at Pangulo.

Sa talumpati ni Pangulong Arroyo, nanindigan ito sa kanyang mandato bilang legal na Pangulo ng bansa at siya umano ang last woman standing.

Sinabi ng Pangulo na mula sa isinagawang pagsusuri sa mga election returns sa mga lalawigan ng Mandaue at Lapu-Lapu na kinuwestiyon ang kanyang pagkapanalo dito ay lumalabas na walang ebidensya na nagkaroon ng dayaan o anumang iregularidad sa mga boto sa pagka-pangulo at bise presidente.

Dahil dito, pinasalamatan ng Pangulo ang kanyang mga partymate dahil sa tagumpay nito ng nagdaang halalan.

Nanawagan ang Pangulo sa kanyang partido na isulong ang paglago ng ekonomiya, isakatuparan ang Cha-cha at magkaisa upang labanan ang kahirapan para sa mamamayang Pilipino.

Ayon sa Pangulo, inaasahan nito na sa kalagitnaan ng taong 2006 ay maisusulong na ang pagbabago ng Saligang Batas.

Kabilang sa rekomendasyon ng Concom sa Cha-cha ay ang no-elections sa 2007. (Ellen Fernando)

AYON

CHA

CONCOM

CONSULTATIVE COMMISSION

ELLEN FERNANDO

LAKAS-CHRISTIAN MUSLIM DEMOCRATS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG FIDEL RAMOS

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with