^

Bansa

Stockholders ng PHC umapela sa SEC

-
Humihingi ng tulong ang mga stockholders ng Philcomsat Holdings Corp. (PHC) sa Securities and Exchange Commission (SEC) para utusan ang kumpanya na magsagawa ng stockholders’ meeting pagkatapos mabigo itong isagawa ang nasabing taunang pagpupulong noong 2005.

"Pananagutan ng SEC na protektahan ang mga stockholders, lalo na ang maliliit na kasosyo sa isang publicly listed na korporasyon, at ang pananagutang ito ay dapat tuparin ng komisyon bago maglaho ang puhunang inilagay ng mga stockholders sa kumpanya," pahayag ni Victor Africa, isa sa mga stockholders ng PHC mula pa noong 1978 nang ito ay tinatawag pang Liberty Mines Inc.

Sa kanyang sulat sa SEC, tinukoy ni Africa, presidente ng Philcomsat, na ang board of directors at pamamahala ng PHC na pinangungunahan ni Manuel Nieto Jr. bilang presidente ay "nananatili sa kanilang posisyon na walang mandate mula pa noong Mayo 2005.

Nagreklamo si Africa sa SEC matapos tanggihan ng grupo ni Nieto ang kanyang kahilingan na suriin ang mga libro ng kumpanya. "Hindi iginalang ang aking karapatan at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino at ano ang nasa likod ng mga kuwestyunableng gastusin at transaksiyon ng PHC," ayon kay Africa.

Ang pagkabigo na magsasagawa ng pagpupulong ay lalo pang pinabigat ng mga ulat pinansiyal na isinumite ng PHC sa Philippine Stock Exchange dahil sa mga malalaking halaga na ginugugol sa mga kahina-hinalang transaksiyon at ang paghina ng kondisyong pinansiyal ng kumpanya.

vuukle comment

HUMIHINGI

LIBERTY MINES INC

MANUEL NIETO JR.

NAGREKLAMO

NIETO

PHILCOMSAT HOLDINGS CORP

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

VICTOR AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with