^

Bansa

Delaying tactics ng Kano ‘di pwede sa rape case

-
Iginiit kahapon ni Justice Secretary Raul Gonzales na hindi puwedeng gumamit ng delaying tactics ang gobyerno ng Estados Unidos sa pamamagitan ng hindi pagpapadalo sa mga sundalong Kano na inakusahan sa Subic rape case hanggang sa maubos ang 1 taong palugit sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Sinabi ni Sec. Gonzales, hindi puwedeng antalahin ng mga Amerikano ang pag-usad ng kaso upang maubos nila ang 1-year grace period para sa pagdinig ng rape case nito alinsunod sa VFA.

Nilinaw ni Gonzales sa kanyang ipinadalang memorandum kay Olongapo City Chief Prosecutor Prudencio Jalandoni na hindi kasama sa nabanggit na 1-year period ang mga panahon na maaantala ang paglilitis dahil sa hindi pagdalo ng mga akusadong Kano sa araw ng pagdinig.

"Neither shall it include any time during which, scheduled trial procedures are delayed because the US authorities, after timely notofication by the Philippine authorities to arrange for the presence of the accused, fail to do so," dagdag pa ng DOJ chief.

Ipinaalala pa ni Gonzales kay Prosecutor Jalandoni na ang 1-year period na itinakda ng VFA ay mula sa araw na mabasahan ng sakdal o arraignment ng mga US servicemen na inakusahang gumahasa sa isang Pinay sa Subic noong Nov. 1. (Grace dela Cruz)

AMERIKANO

CRUZ

ESTADOS UNIDOS

GONZALES

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES

KANO

OLONGAPO CITY CHIEF PROSECUTOR PRUDENCIO JALANDONI

PROSECUTOR JALANDONI

SUBIC

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with