^

Bansa

RP peacekeepers tutulak ngayon sa Haiti, Liberia

-
Nakatakdang tumulak ang 320 peacekeeping contingent ng Armed Forces of the Philippnes (AFP) sa Haiti at Liberia upang magsagawa ng peacekeeping mission sa nasabing mga bansa.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga, ito’y matapos na aprubahan ni Pangulong Arroyo ang pagpapadala ng 165 member contingent sa Liberia at 155 member contingent para naman sa Haiti.

Kahapon ay nagsagawa ng pormal na send-off ceremony ang AFP sa pamumuno ni Senga para sa mga sundalong magsisilbing peacekeepers.

Sinabi ni Senga na ang ika-5 batch ng Philippine Contingent to Liberia (PCL) ay pamumunuan ni Col. Mario Mendoza habang ang 3rd batch ng Philippine United Nations Mission to Haiti (UNMH) ay sa ilalim ni Col. Cesar Dionisio Sedillo. Sina Mendoza at Sedillo ay magsisilbing contingent commanders.

Nabatid na ang unang batch ng RP continget sa Liberia at Haiti ay nakatakdang umalis ngayong araw para sa anim na buwang tour of duty na papalitan naman ang 4th batch PCL at 2nd batch ng UNMH.

Ang bawat peacekeeping contingent ay makakatanggap ng buwanang allowance sa loob ng 6 buwang pananatili sa nasabing mga bansa.

Ang Pilipinas ay nagpapadala ng AFP personnel para maging UN peacekeepers bilang bahagi ng pakikiisa ng bansa sa humanitarian mission sa mga bansang binubulabog ang kaguluhan. (Joy Cantos)

ANG PILIPINAS

ARMED FORCES OF THE PHILIPPNES

CESAR DIONISIO SEDILLO

CHIEF OF STAFF GEN

GENEROSO SENGA

JOY CANTOS

MARIO MENDOZA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE CONTINGENT

PHILIPPINE UNITED NATIONS MISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with