^

Bansa

Rebelyon sa internet inilunsad vs Gloria

-
Inilunsad ng puganteng si Oakwood mutiny leader Marine Capt. Nicanor Faeldon ang "civil disobedience campaign" sa internet upang puwersahin si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na bumaba sa puwesto.

"Panahon na para ipaglaban ang dignidad nating mga Pilipino. Filipino believes GMA will stay on unless we oust her through civil disobedience. It is time to reassert our rights," pahayag ni Faeldon sa kanyang website (http:///pilipino//.org.ph).

Sa website, nakahalf-mast ang bandila ng bansa na may nakalagay na introductory note na nagluluksa ang bayan dahil sa ninakaw umano ni Pangulong Arroyo ang kanilang prinsipyo at dignidad bunga ng pandaraya umano nito sa resulta ng 2004 presidential elections.

Mababasa rin dito ang maikling profile kung paano nagsimula ng kanyang career sa militar si Faeldon na nag-umpisa noong 1989 nang maging trainee siya sa Philippine Navy’s Construction Brigade. Naroon din ang mga larawan ng isinagawang press conference ng mga Oakwood mutineers sa Oakwood Premiere Hotel sa Makati City.

Isinalaysay ni Faeldon sa kanyang website kung gaanong hirap ang kanyang tiniis sa madilim na selda ngunit hindi nabago ang kanyang paninindigan sa kabila umano ng sapilitang paghingi ng paumanhin kay Pangulong Arroyo ng kasamahang mga lider ng Magdalo Group noong Setyembre 2004.

Si Faeldon ay kabilang sa anim na hardcore leader ng bigong mutiny ng Magdalo Group na namuno sa pagsakop ng may 300 sundalo sa naturang hotel noong Hulyo 27, 2003.

Ang nasabing Marine captian ay tumakas sa kanyang mga escort na ISAFP agents matapos dumalo sa pagdinig ng kanilang kasong coup de etat sa Makati Regional Trial Court nitong Disyembre 14.

Ilang oras matapos ang kanyang pagtakas ay nagpadala ang nasabing opisyal ng press statement na nagsasaad ng kanyang tahasang pagkondena sa Arroyo government at nagpahayag na sasapi sa grupo na nagsusulong sa isang kredibleng gobyerno. (Joy Cantos)

vuukle comment

CONSTRUCTION BRIGADE

FAELDON

JOY CANTOS

KANYANG

MAGDALO GROUP

MAKATI CITY

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MARINE CAPT

NICANOR FAELDON

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with