Finance Usec. Bonoan nag-resign
December 3, 2005 | 12:00am
Nagbitiw kahapon sa puwesto si Finance Undersecretary Emmanuel Bonoan sa personal umanong kadahilanan.
Kinumpirma naman ni Press Secretary Ignacio Bunye ang ulat, subalit itinanggi na hindi magkasundo sina Finance Sec. Margarito Teves at Bonoan sa mga patakarang ipinatutupad sa kagawaran ng pananalapi kaya ito nagbitiw sa puwesto.
Sa ginanap pa ring press briefing inihayag ni Bunye na mayroong pagbalasa sa Gabinete na gagawin ang Pangulo.
Sinabi ni Bunye na ang reorganisasyon ay tinatanggap ng bawat opisyal ng pamahalaan na isang kalakaran ng buhay.
"They are there at the pleasure of the President. Anytime she can appoint a new member of the Cabinet," ani Bunye.
Walang panahong binanggit si Bunye kung kailan isasagawa ang Cabinet revamp. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest