^

Bansa

Gen. Garcia guilty!

-
Dalawang taong "hard labor" ang ipinataw na hatol kahapon ng General Court Martial (GCM) kay dating AFP Comptroller ret. Major Gen. Carlos Garcia matapos na mapatunayang guilty sa kasong katiwalian.

Ipinag-utos din ng GCM ang pagbawi sa lahat ng mga nakabinbing benepisyo ni Garcia na tinatayang umaabot sa P2 milyon.

"The court finds ret. Major Gen. Garcia, guilty as charged," pahayag ni Lt. Gen. Emmanuel Teodosio, GCM president.

Hindi naman idinetalye ni Teodosio kung anong uri ng "hard labor" ang bubunuin ni Garcia sa loob ng dalawang taon.

Ang hatol ay matapos ang dalawang oras na ‘close door deliberation" at botohan kung saan napatunayang lumabag ito sa Articles of War (AW) 96 o conduct unbecoming an officer and a gentleman at AW 97 conduct prejudicial to good order and military discipline.

Nag-ugat ang kaso matapos na palsipikahin ni Garcia ang idineklara nitong Statements of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN) sa taong 2002 at 2003 gayundin ang ilegal na pagtataglay nito ng green card o resident status mula sa Amerika habang aktibo pa sa serbisyo sa AFP. Nabatid na nag-aplay ito ng green card noong 1989 at naaprubahan noong 1992.

Hindi rin ibinilang ni Garcia ang P6.5 milyon nitong deposito at P5.8 milyong dividends sa Armed Forces and Police Savings and Loans Inc. (AFPSLAI) at anim na magarbong behikulo sa kanyang SALN.

Nahaharap din si Garcia sa hiwalay na kasong P303 milyong plunder at 4 counts ng perjury sa Sandiganbayan.

Iginiit ng GCM na imposibleng taglayin ni Garcia ang multi-milyong ill-gotten wealth, anim na bank accounts, mamahaling mga ari-arian sa US at 6 magagarbong mga sasakyan kung ang pagbabatayan lamang ay ang P40,000 sinasahod nito kada buwan noong aktibo pa sa serbisyo.

Matatandaan na nabulgar ang pagtataglay ni Garcia ng tagong yaman matapos mahulihan ng $100,000 ang anak nitong lalaki sa airport ng US noong Oktubre 2004.

Si Garcia ay miyembro ng Phil. Military Academy (PMA) Class 1971.

Nagretiro ito sa serbisyo noong Nob. 18, 2004 ilang araw matapos na pasimulan ang pagdinig sa kanyang kaso. (Joy Cantos)

ARMED FORCES AND POLICE SAVINGS AND LOANS INC

ARTICLES OF WAR

CARLOS GARCIA

EMMANUEL TEODOSIO

GARCIA

GENERAL COURT MARTIAL

JOY CANTOS

MAJOR GEN

MILITARY ACADEMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with