GMA narindi sa media tinawag na bad boy
November 11, 2005 | 12:00am
Narindi na si Pangulong Arroyo sa mga negatibong balitang inihahayag ng media kaya tinagurian niya itong "bad boy" dahil sa hindi umano makatotohanang pagbabalita sa nangyayari sa bansa.
Sa isang talumpati sa ika-31 Top Level Management ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) sa Baguio City, umapela ang Pangulo sa matataas na opisyal ng broadcast media na maging makabuluhang katuwang ng pamahalaan sa paghahayag ng magagandang balita na makatutulong sa hinahangad niyang matatag na republika at maunlad na ekonomiya.
Sinabi ng Pangulo na mas pinagtutuunan anyang pansin ng media ang mga negatibong balita na ang ginagamit na lisensiya ay ang kalayaan sa pamamahayag at hindi nabibigyan ng malawak na publisidad ang magagandang pangyayari sa bansa tulad ng pagtatag ng halaga ng piso at stock market, at pagkabawas ng malaki sa budget deficit.
Nakakalungkot anya na ang media ay nagiging bahagi ng problema at nakakasagabal sa pag-unlad sa halip na makatulong na malutas ang problema ng bayan.
Sinabi pa ng Pangulo na ang media ay hindi dapat nagpapagamit sa ilang sektor ng lipunan na walang ibang hangad kung hindi wasakin ang magagandang natamo ng kanyang gobyerno para makalikha ng destabilisasyon.
Hindi man niya nilalahat, sinabi ng Pangulo na ilang sektor ng media ang humahanap ng paraan para mabigyang diin ang negatibong aspeto ng mga balita sa halip na mga positibong pangyayari sa bansa.
Panahon na anya para mawala ang "bad boy image" ng media at panumbalikin ang imahe nito bilang responsableng katuwang ng demokratikong bansa.
Ilan sa media coverage na binanggit ng Pangulo ang Peoples Court, mga kilos-protesta laban sa gobyerno at ang pagkakabunyag niya sa intelligence report na isang broadcast journalist ang naging instrumento para makapagpiyansa ang isang hinihinalang terorista. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest