^

Bansa

Protesta ni Loren vs Noli nabokya

-
Lumalabas na wala talagang basehan ang election protest na inihain ni dating Sen. Loren Legarda-Leviste laban kay Vice Pres. Noli de Castro matapos bawiin ni Legarda-Leviste ang bahagi ng kanyang protesta sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Kamakailan ay hiniling ni Legarda-Leviste sa Korte Suprema na payagan siyang huwag nang isama ang kanyang protesta sa 21 munisipalidad sa Lanao del Norte at Surigao del Sur samantalang na-iskedyul na ng PET para sa isang recount ang mga balota mula sa nasabing mga lalawigan.

"Pinatutunayan lamang nito na ang protesta niya ay talagang walang lamang katotohanan sa simula at ang inisyal na resulta mula sa muling pagbibilang ng mga boto mula sa Mindanao ay pinatutunayan ito kung kaya’t iniaatras niya ang kanyang protesta," ani de Castro.

Ayon naman kay Atty. Armando Marcelo, abogado ng bise presidente, tila napagtanto na ni Legarda-Leviste na si de Castro talaga ang nanalo at wala siyang pinanghahawakang record na nagpapatunay sa kanyang mga alegasyon.

Inamin naman ni Legarda-Leviste na kaya niya iniaatras ang kaniyang protesta sa Mindanao ay dahil sa kakulangan ng ebidensiya at dahil mangangailangan pa siya ng budget para ipagpatuloy ito.

ARMANDO MARCELO

AYON

INAMIN

KAMAKAILAN

KORTE SUPREMA

LEGARDA-LEVISTE

LOREN LEGARDA-LEVISTE

MINDANAO

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

VICE PRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with