^

Bansa

Mag-ina, 2 pa kinasuhan ng kidnapping ng DOJ

-
Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong kidnap-for-ransom ang isang mag-ina at dalawa pang kasama makaraang dukutin umano ang apat katao sa San Pablo, Laguna.

Sa siyam na pahinang resolution na ipinalabas ni Senior State Prosecutor Philip Kimpo, sinabi nito na mayroong mabigat na ebidensiya laban sa mga akusadong sina Cesar Villanueva, Geraldo Andrade at mag-inang Anita Alvenda Katigbak at Juanito Almeda y Katigbak.

Ang kasong kidnap-for-ransom ay isinampa sa San Pablo City Regional Trial Court dahil sa reklamo ng mga biktimang sina Virgilio Monzones, girlfriend nito na si Mirazon Maranan, anak nitong si Nikki Rose at katulong na si Mylene Reyes.

Sa rekord ng prosecution, lumalabas na nagalit umano ang mag-inang Katigbak kay Monzones dahil sa hindi nito pagsasauli ng halagang P400,000 na ibinigay ng una upang ibayad ng huli sa lupang kinatitirikan ng bahay ng mga ito.

Una rito’y nanalo si Anita Katigbak sa lotto na nagkakahalaga ng P13 milyon kung kaya’t ibinayad na umano nito kay Monzones ang nabanggit na halaga.

Lumipas ang ilang buwan ay palagi umanong nagtatanong si Anita kay Monzones kung naibayad na ang naturang halaga hanggang sa naisipan na ng una na dukutin na lamang ito at ang ilang kasambahay upang mapilitang isauli ang P400,000.

Kung kaya’t noong April 16, 2004, dakong alas-7:30 ng gabi ay bigla na lamang inabangan ng mga nabanggit na akusado ang mga biktima sa tapat ng mga bahay ng mga ito at dinala sa farm ni Monzones at humingi ng ransom na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Ngunit walang maibigay ang mga biktima hanggang sa pumayag na ang mga ito sa P350,000 ransom.

Nang makalaya ay nakita pa umano ni Maranan si Andrade sa bahay ni Anita kung kaya’t nakumpirma ng mga ito na kasabwat ang mag-inang Katigbak.

Pinagbatayan ng prosecution ang naging pag-amin ni Andrade na ang utak sa pagdukot sa mga biktima ay ang mag-inang Katigbak at ang mga akusado ay positibong nakilala ng mga biktima. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ANDRADE

ANITA

ANITA ALVENDA KATIGBAK

ANITA KATIGBAK

CESAR VILLANUEVA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GERALDO ANDRADE

KATIGBAK

MONZONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with