^

Bansa

Cory, Bro. Eddie nagsisi sa suporta kay Gloria

- Nina Lilia Tolentino At Ellen Fernando -
Nagkamali umano sina dating Pangulong Corazon Aquino at Jesus Is Lord (JIL) leader Bro. Eddie Villanueva sa pagbibigay ng suporta kay Pangulong Arroyo bilang kapalit ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Inamin ni dating Pangulong Aquino sa kanyang mensahe kamakalawa na dismayado na siya sa kasalukuyang administrasyon at patuloy pa rin ang kanyang panawagan na bumaba na sa puwesto si Pangulong Arroyo dahil ito lamang aniya ang magpapahupa sa kasalukuyang krisis pulitikal sa bansa.

Tahasan ding sinabi ni Villanueva na pinagsisisihan niya kung bakit niya sinuportahan si Arroyo nang lumapit ito sa kanya at hilinging tumulong upang tuluyang mapatalsik si Estrada sa Malacañang.

Naasar naman ang Malacañang sa mga patutsada nina Cory at Villanueva.

Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na hindi na dapat nagsasalita pa ang dalawa ng mga ganoong pahayag dahil lilikha lamang ito ng panibagong pagpapalitan ng maaanghang na salita.

"It is regrettable that critics of President Arroyo have failed to heed the call of religious leaders and the people for an end to political bickerings", ani Bunye.

Iginiit ng Palasyo na imbes na makipag-patutsadahan, itutuon na lamang ng Pangulo ang kanyang sarili para sa kinabukasan at pag-unlad ng bansa.

vuukle comment

EDDIE VILLANUEVA

JESUS IS LORD

MALACA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG CORAZON AQUINO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PRESIDENT ARROYO

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with