^

Bansa

10 fighter planes isosoli sa Kano

-
Hindi na ipagagamit ng pamunun ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 10 units ng F5 fighter plane matapos itong pakinabangan ng ahensiya ng may 40 taon.

Ayon kay Capt. Ephraim Suyom, public information officer ng Phil. Air Force Defense Wing sa Basa Air Base, handa na nilang ibalik sa United States Military ang nabanggit na mga eroplano kasama na ang mga kaukulang dokumento nito.

Ang nabanggit na mga fighter plane ay napasakamay ng Pilipinas sa ilalim ng RP-US Joint Defense Agreement.

Gayunman, papalitan ang mga ito ng limang S2 11 na ayon kay Suyom ay may mababang speed na ginagamit sa kampanya laban sa mga rebeldeng MILF, MNLF, Abu Sayyaf at iba pang criminal elements sa mga remote areas sa Mindanao.

Ang mga sasakyang ito ay gagamitin din sa pagbabantay sa Kalayaan Group of Islands at Economic Zones sa bansa. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AIR FORCE DEFENSE WING

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BASA AIR BASE

ECONOMIC ZONES

EPHRAIM SUYOM

JOINT DEFENSE AGREEMENT

KALAYAAN GROUP OF ISLANDS

UNITED STATES MILITARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with