^

Bansa

‘Hudas’ lagot sa NPA

- Ni Malou Rongalerios -
Hindi malayong hantingin ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA) para isalang sa tinatawag na ‘people’s court’ ang mga kongresistang babawi ng kanilang lagda sa impeachment complaint kapalit ang salapi at malaking pabor mula sa Malacañang.

Ayon sa isang source na tumangging magpabanggit ng pangalan, imposibleng hindi kumilos o magpalabas ng babala si Ka Roger Rosal sa nangyayaring pambababoy ng ilang kongresista sa proseso ng impeachment at sa kasalukuyang nangyayari sa gobyerno.

Malaki anya ang pananagutan sa bayan ng mga mambabatas na tumatanggap ng suhol at pabor mula sa Palasyo kapalit ang pagtalikod sa kanilang tungkulin na palabasin ang katotohanan.

Kung hindi aniya magbibigay ng babala si Ka Roger at manonood lamang sa nangyayari sa Kongreso ay hindi malayong magkatotoo ang ulat na marami pang kongresista ang babawi ng kanilang pirma dahil sa matinding pressure mula sa Malacañang.

Ipinaliwanag naman ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na ‘localized’ ang people’s court kung saan isinasalang ang mga lokal na opisyal ng gobyerno na nakakagawa ng kasalanan sa kanilang lugar. Dapat aniya’y nasa kustodya muna ng CPP-NPA ang isang taong nagkasala bago ito maisalang sa ‘people’s court.’

Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Teddy Casino, nasa kapasyahan na ni Ka Roger kung magbibigay ito ng babala sa mga kongresistang halatang nagpapagamit sa administrasyon. Pero sinabi nitong hindi niya alam kung ano ang puwedeng ihatol sa mga "hudas" sa justice system ng CPP-NPA.

Mahirap din anyang makahanap ng ebidensiya sa sinasabing suhulan dahil hindi naman naka-black and white o nakasulat sa papel ang pagtanggap ng suhol ng sinumang tao sa gobyerno.

AYON

BAYAN MUNA REP

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

DAPAT

KA ROGER

KA ROGER ROSAL

MALACA

SATUR OCAMPO

TEDDY CASINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with