^

Bansa

Northrail project suportado ng Clark investors

-
Sinuportahan ng mga negosyante at local executives ang Northrail project dahil magiging katulong ito sa pagnenegosyo at pag-unlad ng kabuhayan sa Central Luzon.

Sa resolusyon ng Clark Investors and Locators Association Inc., naniniwala ang mga negosyante na malaki ang maitutulong ng Northrail project upang mapabilis ang transportasyon at pag-unlad ng Gitnang Luzon.

Sinuportahan din ng mga alkalde sa Pampanga sa pangunguna ni Pampanga Mayor’s League spokesman Candaba Mayor Jerry Pe-layo ang proyektong ito dahil bukod sa magiging mura at mabilis ang transportasyon ng kanilang mga kababayan pauwi ng Pampanga ay magiging mabilis din ang takbo ng pagnenegosyo dito.

Sinabi naman ni Northrail president Jose Cortes Jr., bukod sa mura ang magiging pamasahe sa tren mula sa Caloocan City hang- gang sa Malolos, Bulacan hanggang sa Clarkfield, Pampanga ay magiging mabilis din ang kanilang biyahe.

Wika pa ni Mr. Cortes, handa siyang ipagtanggol ang Northrail sa sandaling umabot sa impeachment court ang isinampang impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo kung saan ay kabilang sa kinukuwestyon ang nasabing proyekto.

Aniya, walang anomalya ito at above-board ang government to government na transactions na ito. (Ulat ni Rudy Andal)

CALOOCAN CITY

CANDABA MAYOR JERRY PE

CENTRAL LUZON

CLARK INVESTORS AND LOCATORS ASSOCIATION INC

GITNANG LUZON

JOSE CORTES JR.

MR. CORTES

NORTHRAIL

PAMPANGA

PAMPANGA MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with