^

Bansa

3 pinagpipilian sa DepEd

-
Tatlo ang pinagpipilian ng Malacañang na pumalit sa nagbitiw na kalihim ng Department of Education na si Florencio Abad.

Matunog ang pangalan nina TESDA Administrator Augusto Syjuco, ex-Congressman Eduardo Nachura at DepEd Undersec. for Programs and Project Fe Hidalgo.

Dahil dito, nakikiusap ang mga opisyal at staff ng DepEd kay Pangulong Arroyo na pumili ng talagang angkop sa puwesto at hindi iyong may mga "political interes" upang hindi maapektuhan ang serbisyo ng kagawaran na ikakaapekto rin ng milyon-milyong estudyanteng umaasa dito.

Matatandaang nag-resign si Abad at sumama sa 9 pang nagbitiw na Cabinet secretaries para manawagan na bumaba sa puwesto ang Pangulo.

Ani DepEd undersec. Juan Miguel Luz, kailangang ang susunod na kalihim ng edukasyon ay iyong ipagpapatuloy ang mga inumpisahang proyekto ng mga nagdaang kalihim at may malasakit sa kapakanan ng mga mag-aaral. (Edwin Balasa)

ABAD

ADMINISTRATOR AUGUSTO SYJUCO

CONGRESSMAN EDUARDO NACHURA

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDWIN BALASA

FLORENCIO ABAD

JUAN MIGUEL LUZ

PANGULONG ARROYO

PROGRAMS AND PROJECT FE HIDALGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with