^

Bansa

Bishop Cruz humirit ng isa pang jueteng hearing

-
Ipinahayag kahapon ni Sen. Manuel Villar Jr. na pagbibigyan niya ang kahilingan ni Archbishop Oscar Cruz na magdaos pa ng isang pagdinig ang Senado para pakinggan ang testimonya ng bagong testigo nito.

Ayon kay Sen. Villar, chairman ng public order and illegal drugs, nagkasundo sila ni Sen. Lito Lapid, chairman ng games, amusements and sports, na magsagawa pa ng isang hearing ang kanilang komite ukol sa juetenggate scandal.

Wika ni Villar, hindi na nila ipapatawag pa ang mga naunang testigo ni Bishop Cruz na sina Sandra Cam, Wilfredo Mayor at Richard Garcia kundi ang bago na lamang testigo ng obispo na magmumula pa sa Amerika.

Aniya, sa sandaling makumpirma ng joint committee na handa na ang testigo ni Cruz na humarap ay agad silang magpapatawag ng hearing para pakinggan ang testimonya nito.

Magugunita na nagkasundo ang mga miyembro ng 2 komite na tuluyang tapusin na ang imbestigasyon sa jueteng kung walang bagong testigong maihaharap si Cruz o bagong impormasyon hinggil dito. (Ulat ni Rudy Andal)

AMERIKA

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

BISHOP CRUZ

CRUZ

LITO LAPID

MANUEL VILLAR JR.

RICHARD GARCIA

RUDY ANDAL

SANDRA CAM

WILFREDO MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with