^

Bansa

PGMA nag-sorry kay Kris

-
Humingi ng paumanhin si Pangulong Arroyo kay Kris Aquino dahil sa naging patutsada dito ni Justice Secretary Raul Gonzales matapos manawagan ang ina nito na si dating Pangulong Cory Aquino ng pagbibitiw sa puwesto ni PGMA.

"I’m so sorry about what happened. I got mad at him (Sec. Gonzales) about this. Is there anything we can do to repair the situation," wika pa ni Pangulong Arroyo kay Kris.

Sinabi naman ni Kris sa Pangulo, wala itong maririnig tungkol sa pulitika mula sa kanya dahil kasama siya ni PGMA sa pangangampanya noong nakaraang eleksyon.

Ayon kay Kris, anim na ulit humingi ng paumanhin sa kanya ang Pangulo matapos ang kanyang pagsasalita sa kanilang programang The Buzz kung saan ay napaluha siya.

Magugunita na nagpatutsada si Sec. Gonzales kay dating Pangulong Aquino na huwag ng makialam sa takbo ng pulitika sa bansa bagkus ay asikasuhin na lamang ang problema ng anak na si Kris.

Samantala, pinabulaanan naman ng Palasyo na ang pagbibitiw ni Communications Director Silvestre Afable ay may kinalaman sa umano’y pagbabalik sa Palasyo ni ADB alternate executive director Marita "May-May" Jimenez.

Wika ni Sec. Ignacio Bunye, gusto lamang mag-concentrate ni Sec. Afable sa pagiging chief negotiator sa peace talks sa MILF. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

COMMUNICATIONS DIRECTOR SILVESTRE AFABLE

GONZALES

IGNACIO BUNYE

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES

KRIS AQUINO

LILIA TOLENTINO

PALASYO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG CORY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with