Rating ni GMA lugmok na
July 7, 2005 | 12:00am
Nakuha ni Pangulong Arroyo ang pinakamababang approval rating bilang isang pangulo ng Pilipinas sa loob ng 20 taon sa isinagawang survey ng Pulse Asia na inilabas kahapon.
Binigyan si GMA ng 25 porsiyento approval at 46% disapproval rating sa survey na ginawa mula Hunyo 20-23 kung saan nasa kasagsagan ng Gloriagate at jueteng scandal ang bansa.
Sa tanong naman na kung dapat bang bumaba sa puwesto ang Pangulo, 48% ang nagsabing dapat na itong bumaba, 26% ang hindi dapat at 25% ang hindi makapagdesisyon.
Ayon kay Pulse Asia chairman at UP Prof. Felipe Miranda, kinomisyon ang nasabing survey noong hindi pa nagsasabi ng "sorry si Pangulong Arroyo sa mamamayang Pilipino. Kung inabot anya ang survey ng pagso-sorry ay malamang mas mataas pa ang disapproval rating nito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest