^

Bansa

Military, police commanders sa ARMM pinapapalitan lahat

-
Hiniling kahapon ni Senate President Franklin Drilon kay Comelec Chairman Benjamin Abalos na palitan ang mga commanders ng militar at pulisya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na nagpapakitang may kinikilingang kandidato sa nalalapit na August 8 elections.

Sinabi ni Sen. Drilon, pangulo ng Liberal Party (LP), dapat palitan ng mga bago at impartial officers ang mga commander ng militar at pulisya sa ARMM upang masiguro na maayos at hindi pagdududahan ang magiging resulta ng eleksiyon dito na idaraos sa Agosto 8.

Nais papalitan ni Drilon sina B/Gen. Agustin Dimaala, commanding general ng 6th Infantry Division; Col. Jerry Jalandoni, commanding officer ng 603rd brigade ng Phil. Army; Sr. Supt. Mediro Mambatao, Maguindanao provincial PNP director at Sr. Supt. Hamerodin Hamdag, Lanao del Sur provincial director ng PNP.

Ayon kay Drilon, nagreklamo sa kanya ang mga kandidato ng LP para gobernador na si Datu Ibrahim "Toto" Paglas at runningmate nitong si Hatta Dimaporo sa ARMM hinggil sa pagkakaroon ng kinikilingan ng nasabing military at police officials.

Pinalilinis din kay Abalos ang Comelec dito, partikular ang mga opisyal at empleyado na may kaanak na kandidato bukod sa mga opisyal na lantarang may kinikilingang kandidato. (Ulat ni Rudy Andal)

AGUSTIN DIMAALA

AUTONOMOUS REGION

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

DATU IBRAHIM

DRILON

HAMERODIN HAMDAG

HATTA DIMAPORO

INFANTRY DIVISION

JERRY JALANDONI

LIBERAL PARTY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with