^

Bansa

OFWs solid ang suporta kay PGMA

-
Sa gitna ng kaliwa’t kanang pagbatikos at paninirang natatanggap, nagpahayag kahapon ng suporta sa liderato ni Pangulong Arroyo ang malalaking grupo na binubuo ng libu-libong overseas Filipino workers (OFWs).

Ipinahayag nina Engr. Nelson Ramirez, pangulo ng United Filipino Seafarers (UFS), Noel Josue ng Kaibigan OFW, Bong Guro ng Akbay Pinoy at Danilo Cagas, national chairman ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Asso. of the Philippines (NACTODAP) ang patuloy na pagkilala sa pagka-pangulo ni GMA.

Ang UFS ay may 35,000 miyembro ng mga marino, ang Kaibigan OFW ay may 30,000 miyembro, ang Akbay Pinoy 70,000 habang ang NACTODAP ay may 2.8 milyong kasapi.

Sinabi ng apat na dapat umanong tumigil ang mga miyembro ng oposisyon sa ginagawa nilang planong destabilisasyon sa gobyerno upang hindi matakot ang mga negosyante at turista sa bansa. Ang mga OFW ang siya ngayong bumubuhay sa ating ekonomiya sa pamamagitan ng kanilang remittance na tinatayang umaabot sa $8-bilyon kada taon kaya sila tinaguriang mga ‘bagong bayani’ at marapat umanong hindi sila bigyan ng pag-aalinlangan tulad ng nangyayari sa kasalukuyan. (Mer Layson)

vuukle comment

AKBAY PINOY

BONG GURO

DANILO CAGAS

DRIVERS ASSO

KAIBIGAN

MER LAYSON

NELSON RAMIREZ

NOEL JOSUE

PANGULONG ARROYO

UNITED FILIPINO SEAFARERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with