Dirty politics itigil na! - GMA
June 13, 2005 | 12:00am
Itigil na ang maruming pamumulitika.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Arroyo sa kanyang talumpati sa ika-107 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan kahapon.
Nanawagan ang Pangulo sa oposisyon na sa halip na manira, tumulong na lang sa pagbubuklod ng bansa.
Naniniwala ang Malacañang na sa pahayag ni Susan Roces na walang mapapala sa pagdaraos ng people power revolution, tapos na ang krisis na kinaharap ng administrasyon.
Nauna rito, nalantad ang planong ibagsak ang pamahalaan matapos magsulputan ang mga diumanoy testigo na nag-uugnay sa mga kaanak ng Pangulo sa jueteng.
Si Wilfredo Mayor, isang self-confessed jueteng operator ang pilit na nagdawit kay First Gentleman Mike Arroyo sa jueteng payola. Si Mayor ay iprinisinta ni Archbishop Oscar Cruz sa Senado sa ginawang pagdinig sa isyu ng illegal numbers game. Napag-alaman na si Mayor ay campaigner ni Sen. Ping Lacson noong nakaraang presidential election.
Lumantad din pagkatapos si Sandra Cam na itinuturo si Reps. Iggy Arroyo at Mikey Arroyo na tumanggap umano ng jueteng payola. Si Cam naman ay tumakbo noon sa eleksyon sa Bicol sa ilalim ng Reporma na pinamumunuan ni Renato de Villa. Si Cam sa hindi malamang dahilan ay kilala din sa alyas na Sandra de Villa.
Nitong huli ay lumabas din si Samuel Ong na dating deputy chief ng National Bureau of Investigation at nagsabing hawak niya ang master tape na magpapatunay umano na nandaya ang Pangulo noong nakaraang presidential elections.
Maging si retired Gen. Fortunato Abat ay madiin ding nanawagan sa pagre-resign ng Pangulo at sinabing siya ang karapat-dapat na maging pangulo ng bansa ngunit nanatiling nasa likod ng Pangulo ang militar at kapulisan.
Si Susan Roces, asawa ni Fernando Poe, Jr. na katunggali ni Pangulong Gloria sa eleksiyon noong isang taon ay sinalungat ang panawagan ni dating Pangulong Joseph Estrada para sa isang malawakang civil disobedience at sinabi sa mga supporters ng kaniyang asawa na iwaksi sa isipan ang pagdestabila sa pamahalaan sapagkat wala namang mahihita dito.
Ang mga opisyales at Gabinete ni Pangulong Gloria ay patuloy na nagpahayag ng solid na suporta sa kaniya. Sinabi naman ni Senate President Franklin Drilon na walang kaalyado ang Pangulo na tumiwalag at bagkus ay lalo pa ngang dumiin ang suporta sa chief executive. Maging si Vice President Noli de Castro ay nanawagan sa taumbayan na huwag pagamit sa mga pulitiko at umapela sa taumbayan upang huwag nang maglunsad ng civil disobedience.
Kapansin-pansin namang walang halos dumalo sa San Carlos Seminary kung saan nanawagan ang ilang lider ng oposisyon na mag-organisa ng isang rally laban kay Pangulong Gloria.
Sa kaniya namang speech para sa Araw ng Kalayaan, sinabi ng Pangulo na pinagpapatuloy niya ang mga reporma sa pamahalaan na kaniya nang nasimulan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended